Entries for December, 2013

Nagkamalay ako na nandyan na sila.

Nung musmos pa lang ako, feeling ko wala silang limitations. Lahat kaya nilang gawin. Parang may mga super powers lang.

Pero, habang lumalaki ako, napapansin ko na hindi naman pala sila perpekto. Na may mga kakulangan din pala sila. Kaya, nagbuo ako ng mga sarili kong opinyon. Mga opinyon base sa mga nararanasan ko at mga naoobserbahan ko sa kapaligiran ko.

Binalewala ko ang mga aral at payo na araw gabi nilang binibigay sa akin.

Nung nagkamali ako, nakita ko ang awa sa mga muka nila. Hindi nila yun sinabi sa’kin. Pero alam ko, yun ang naramdaman nila. At kapag tinitingnan ko sila ng hindi nila alam, nababanaag sa kanila ang lungkot.

Tama naman pala ang mga aral at payo nila.

Nagkamalay ako na nandyan na sila.

Kaya siguro na-take for granted ko ang presence nila. Aware naman ako na ang buhay eh hindi forever. Pero parang hindi ko naisip na pwedeng dumating ang time na turn naman nila. Parang hindi ma-wrap ng mind ko ang scenario na hindi ko na makikita ang wacky face nila kapag picture-an na. Or yung time na hindi ko na maririnig ang paghagalpak nila ng tawa sa mga mabababaw kong jokes. Or yung time na hindi ko na sila kakainisan kapag may sinabi sila sa’kin na hindi ko masyadong feel. Or yung time na hindi na ko maki-kiss sa noo ni Daddy. Or yung time na hindi na ko mabe-bearhug ni Mommy.

Yung andyan lang sila palagi, anytime.

Namo-morbid-an ako sa mga pinagsasasabi ko. Pero yun ang katotohanan ng buhay.

Kaya bago pa maging huli ang lahat, gusto ko ipagdiwang ang buhay ng aking ama at ina.

Mahal po namin kayo. Hindi lang masyadong halata.

Posted by CarizzCruzem on December 4, 2013 at 06:13 AM | fly with me
« 2013/10 · 2014/06 »