Entries for July, 2011

Kung hindi ako nabuhay, walang maibabato sa mga magulang ko na may anak sila na dalagang ina. Hanggang kelan ba dapat manahimik? Ibang klase talaga kapag nagkamali. Pinipilit mong magpakabuti pero hahabulin ka pa rin at isasadlak sa putikan. Kahit ano pang bleach ang gamitin ko, mananatili akong marumi. Bakit ba ako nabuhay? Lagi ko talagang sinasabi na napaka-unfair kasi hindi ako nabigyan ng pagkakataon na papiliin kung gusto ko bang mabuhay. Siguro kung binigyan ako ng ganoong pagkakataon, hindi ko pipiliin mabuhay.

Ayokong mangialam kasi hindi ko naman yun away. Pero bakit pinipilit akong isali. Bakit nayuyurakan ang pagkatao ko? Ano bang ginawa kong kasalanan sa kanila? Pinagsalitaan ko ba sila ng masasakit? Siniraan ko ba sila? Ano bang ginawa ko sa kanila? Bakit? Anong ginawa ko sa inyo? Ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit paulit ulit kayo sa mga sinasabi nyo na dalagang ina ako?

Kahit naman kelan hindi ko itinanggi yun? Pero bakit nyo dapat ipagdukdukan sa pagmumuka ko na may anak ako pero wala akong asawa. Bakit? Anong ginawa ko sa inyo?

Bakit nyo kailangan ipag-compare ang Dubai sa Paris at sa Japan? Ipinagmalaki ko ba sa inyo na nakarating ako ng Dubai? Kaya nga ako nagpunta dun kasi gusto ko sana na kahit papano eh may maibigay ako sa anak ko dahil wala akong asawa. Hindi ako nagpunta dun para magbakasyon. Nagpunta ako dun para magtrabaho. Pinagmalakihan ko ba kayo?

Hindi ako isinuka ng Dubai pabalik sa Pilipinas. Nag-resign ako dahil gusto ko makasama ang anak ko. Nahirapan ako sa pagre-resign kasi ayaw ako paalisin ng company na pinapasukan ko. Pero kailangan ko pa ba yung i-explain sa inyo? Para saan? May mapapala ba tayo pare-pareho kung ikwento ko yun sa inyo?

Bakit kailangan nyo akong saktan? Ano bang ginawa ko sa inyo? Meron bang instance na pinagmalakihan ko kayo? Bakit?

Posted by CarizzCruzem on July 7, 2011 at 06:41 PM | fly with me
« 2011/05 · 2011/11 »