Entries for March, 2017

1. Ang cool balancing act na nagagawa mo sa metro ay hindi ubra sa bus. Pagdating sa bus, hold on for your dear life ang kwento, lalo na kung roundabout ang setting tas pangarap ni manong mag-drift ng bus.
2. Kung maexperience mo ang malabuwis buhay na bus ride, mani na lang ang pagtayo sa metro. Pero dapat may ngipin. Mahirap kumain ng mani kapag walang ngipin.
3. Jeremiah 29:11 is not a verse that tells you a way out. It's a verse that tells you to stay and flourish in the here and now no matter the circumstance and trust God's love even if your situation screams otherwise.

Posted by CarizzCruzem on March 3, 2017 at 08:11 AM | fly with me

What if you're not just broken? What if you're pulverized and some dust parts of you were swept away by the wind? What then? How can you be made whole again?

Posted by CarizzCruzem on March 6, 2017 at 04:52 PM | fly with me

Pitter-patter, pitter-patter
Droplets from the dark clouds
Race down the window shield

Plip-plop, plip-plop
Feet on rain-soaked pavement
Rush to Manong-Fishball

Posted by CarizzCruzem on March 21, 2017 at 07:25 AM | fly with me

Luke 11:11-12 If a son asks for bread from any father among you, will he give him a stone? Or if he asks for a fish, will he give him a serpent instead of a fish? Or if he asks for an egg, will he offer him a scorpion?

Minsan, may particular na tinapay tayong hinihingi kay Lord. But in all of God's wisdom, hindi nya binibigay sa'tin kasi yung particular na bagay na hinihingi natin, akala lang natin tinapay, pero bato pala.

Or minsan, may certain fish or egg tayong hinihingi. Pero dahil mabait ang Dios, hindi nya binibigay sa'tin, kasi yung hinihingi natin na akala natin eh fish or egg, ahas or alakdan pala.

Merong time na hahayaan tayo ng Lord na madisappoint dahil sa hindi nya pagbigay sa mga kagustuhan natin, dahil ultimately, ayaw naman nya tayo mapahamak.

Masakit. Minsan nakakaiyak pa nga. Pero ganun talaga siguro. Hindi natin maarok ang karunungan ng Panginoon. Kaya magta-trust na lang tayo sa pag-ibig nya satin.

Posted by CarizzCruzem on March 25, 2017 at 10:23 PM | fly with me

Pano mo malalaman na sobra na ang oras na ginugugol mo sa paggamit ng computer?

Nag-a-ayos ka ng pisikal na papel tas nawala ka sa bilang. Ang unang solusyon na naisip mo eh Ctrl+Z.

Tas naisip mo na ngang para kang ewan pero yung kamay mo pilit na bumabali-baligtad at parang nagbabakasakali pa sila na matandaan nila ang previous action.

Posted by CarizzCruzem on March 30, 2017 at 07:21 PM | fly with me
« 2016/10 · 2017/04 »